^

Metro

70,000 senior citizens sa Makati, tumanggap ng cash gift

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mahigit sa 70,000 senior citizens, na pawang BLU card holder ang tumanggap ng cash gift mula sa pamahalaang lungsod ng Makati.

Sa ulat ni Remedios Ramos, Officer-In-Charge (OIC) Makati Social Welfare Development (MSWD) kay Makati City Mayor  Romulo “Kid” Peña Jr., inumpisahan ang pamamahagi ng cash gift sa mga matatanda na residente ng lungsod  noong nakaraang Disyembre 2 hanggang sa Dec. 12 ng taong kasalukuyan, simula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Nabatid na ang mga   matatandang may hawak na BLU card, na nasa 70,203 ang bilang ang tumanggap ng cash gift.

P1,000 ang tatanggapin ng mga may edad 60 hanggang 69-anyos; P1,500 para sa may edad na 70 hanggang 79-anyos at P2,000 para naman sa may mga edad 80-anyos pataas.

Nabatid, na ngayong taon  ito nasa  P82,453,000 cash gift ang ipinamahagi sa mga senior citizens ng pamahalaang lungsod ng Makati bilang Pamaskong handog sa kanila.

ANG

ATILDE

DISYEMBRE

MAHIGIT

MAKATI

MAKATI CITY MAYOR

MAKATI SOCIAL WELFARE DEVELOPMENT

NABATID

NBSP

OFFICER-IN-CHARGE

REMEDIOS RAMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with