^

Metro

Pagresolba sa problema ng mga katutubo sa ancestral domain, giit ng Bugkalot tribe

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kay Pa­ngulong Noynoy Aquino ang grupo ng katutubong Bugkalot tribe ng Nueva Vizcaya, Aurora at Quirino provinces na tulungan silangan resolbahin ang problema nila hinggil sa karapatan nila sa ancestral domain.

Sa ginanap na press conference sa QC, sinabi ni Rosario Camma, Mayor ng Nagtipunan Quirino province, dapat nang mawakasan ang kanilang 15 taong paghihintay na makamit ang laan na  tulong para sa kanila matapos na tanggihan ang kanilang mandated percentage mula sa bilyong pisong kita para sa diversion ng tubig mula sa  Casecnan at Taan Rivers sa  Pantabangan Dam na gamit ngayon bilang isang  hydro-electric power plant.

Sinabi ni Camma na hanggang sa ngayon ay wala silang natatanggap na kahit sentimo mula sa kita ng o­perasyon ng naturang planta.

Anya, ang Bugkalot tribe ay may constitutional basis para makuha hindi lamang ang  proceeds mula sa tubig at energy project na pinatatakbo ng  California Energy Casecnan Water and Energy Inc. (CalEnergy) kundi ma­ging ang  compensation para sa  environment damage na nilikha sa komunidad dahil sa patuloy na operasyon ng kompanya.

Sa press conference, nagpakita din ang mga katutubo ng mga litrato at film clips ng Casecnan River noong 1950s na sobrang yaman sa aqua-agriculture resources tulad ng kilalang “Ludong’’ fish.

“Ang “Ludong’’ ay madali lamang nahuhuli ng mga katribu naming dati gamit and sibat. Ngayon tuyo na ang ilog at puno lamang ng bato at pebbles “pahayag ni Camma.

Si Camma ay tumatayong overall chieftain ng Bugkalot Confederation sa Aurora, Quirino at Nueva Vizcaya na nagsabing ang Ludong fish ay may halagang P3,000 kada kilo ngayon.

“With the president’s term ending in six-months, we remain optimistic that Malacañang will heed our  urgent call for justice with the hope that their “tribe’s years of anguish and pain will finally end” dagdag ni Camma. 

ACIRC

ANG

BUGKALOT

BUGKALOT CONFEDERATION

CALIFORNIA ENERGY CASECNAN WATER AND ENERGY INC

CAMMA

CASECNAN RIVER

LUDONG

NAGTIPUNAN QUIRINO

NBSP

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with