Pagawaan ng pekeng plaka ng sasakyan, sinalakay ng NBI
MANILA, Philippines – Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 50-anyos na negosyante na sinasa-bing ‘utak’ sa paggawa at pagbebenta ng mga pekeng plate number ng sasakyan, sa ginawang pagsalakay sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.
Kasalukuyang nakapiit sa detention facility ng NBI ang suspek na kinilalang George Mendioro, residente ng Batangas St., malapit sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue, Tondo.
Nanguna sa pagsalakay ang supervising agent ng NBI-Anti-Organized Transnational Crime Division na si Manny Fayr, sa bahay ng suspek sa Batangas St.,dakong alas 12:55 ng hapon .
Sinamsam ng mga operatiba ang mga metal na ang iba ay may nakatatak ng numero o kumpleto na para gamiting plaka ng sasakyan, habang ang ibang metal plate ay blangko pa.
Nabatid na iginagawa ni Mendioro ang sinumang nais magpagawa ng plaka sa halagang P350.00 ang isa.
Bukod sa kinikita ni Mendioro, may komisyon umanong nakukuha ang nagsisilbing mga ahente ng mga parukyano ni Mendioro.
Kasunod nito, dakong alas- 2:30 ng hapon nang salakayin din ang 1739 Parking St., sa Claro M Recto Avenue, sa Sta.Cruz, na nakumpiskahan naman ng mga pekeng driver’s license gayunman walang nadakip na suspek.
- Latest