Quezon City fire: 4 katao patay
MANILA, Philippines – Apat katao na miyem-bro ng isang pamilya ang nasawi sa sunog na naganap sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay Senior Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, bagama’t umabot lamang sa unang alarma ang sunog nasawi matapos na masuffocate ang mga biktimang nakilalang sina Heizel Lopez Bucad, 30; Rodolfo Bucad,56; Gracita Bucad, 58; at Tricia Bucad, 20.
Nagawa pang maitakbo ng mga rescue team sa East Avenue Medical Center ang mga biktima subalit idineklara ring dead on arrival.
Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang sunog sa may dalawang palapag ng isang gusali na pag- aari ng isang Elaine Caluntoc na inuupahan ng mga biktima na matatagpuan sa 15th Avenue kanto ng Main Ave., Brgy. San Roque, sa lungsod ganap na alas- 3:15 ng madaling araw.
Ang nasabing gusali na bukod sa kanilang tirahan ay nagsisilbi ring dental at optical clinic ng pamilya, ang Sight & Bite optical & dental clinic.
Sinasabing nagsimula ang sunog sa ground floor ng gusali partikular sa klinika kung saan nakalagay ang mga kasangkapang de kuryente.
Ayon kay Fernandez, posibleng nagmula ang sunog sa may refrigerator at oven toaster na nakapuwesto sa klinika, pero inaalam pa anya nila kung nag-overheat ito.
Nang magsimula ang apoy, agad namang nakaresponde ang tropa ni Fer-nandez, at idineklarang fire under control ang sunog alas-4:58 ng madaling-araw.
Dito ay isa-isang iniligtas ng mga pamatay-sunog ang buong pamilya na nadatnang pawang mga walang malay na nakalupasay sa loob ng isang kuwarto.
Sinasabing ang klinika ay nasa gawing dulo ng ground floor at dahil walang paglalabasan ng usok ay mabilis na napuno at nasuffocate ang mga biktima.
Unang nailigtas ng mga rescue team si Hazel, isa umanong dentista, kasunod ang kanyang tatay na si Mang Rodolfo, isang opto-metrist at itinakbo sa nasa-bing ospital.
Ilang minuto ang lumipas ay magkasabay namang inilabas ang mag-inang sina Tricia at Aling Gracita at itinakbo din sa naturang ospital para malapatan ng lunas, subalit pawang hindi na umabot nang buhay.
Samantala, ganap na alas-5:04 ng umaga nang tuluyang ideklarang fire out ang sunog na tinatayang aabot sa P100 milyon ang halaga ng napinsalang ari- arian.
Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa nasabing insidente.
- Latest