^

Metro

Barangay council para sa mga kabataan, inilunsad ni Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang higit na mapanga­lagaan ang kapakanan ng mga kabataan at makaiwas sa anumang bisyo tulad ng droga, pinangunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad sa Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) sa Liwasang Aurora, Quezon City Circle.

Ayon kay Belmonte, layunin ng programa na higit na mapalakas at mapag-ibayo ang karapatan ng bawat  kabataan sa komunidad na ginagalawan at malabanan ang anumang mga pang-aabuso sa kanilang hanay.

Ngayong taon, ang programa na may temang “Batang QC, Batang may Kinabusa­kan, Dito sa QC Di ka Ma­a­abuso, di ka Mapapaba­yaan” ay dinaluhan ng ibat-ibang mga kabataan mula sa 6 na distrito sa lungsod kasama na ang mga barangay officials at mga magulang na nagka­pitbisig  para sa tagumpay ng programa.

Bahagi ng BCPC project ang isinagawang patimpalak sa sayawan na pinamagatang “Danz for Joy” para sa mga kabataan.

“Sa proyektong ito ay nais nating maipamalas sa mga kabataan na nandito kami para tulungan silang mapa­nga­lagaan ang kanilang ka­ra­­­patan, at  hayaan silang­ ma­­­ki­lahok sa mga progra­mang magpapalawak sa ka­nilang kaalaman at kasa­nayan upang mailayo sila sa masasamang bisyo at mga pang aabuso”, pahayag ni Belmonte.

Kasama ng Vice Mayors Office sa proyektong ito, ang  Drug  Free-QC, Joy of Public Service, local DSWD at DPOS ng QC hall.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY COUNCIL

BATANG

BELMONTE

JOY OF PUBLIC SERVICE

LIWASANG AURORA

MGA

PROTECTION OF CHILDREN

QUEZON CITY CIRCLE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with