^

Metro

Isinarang mga kalsada sa Makati City, pinabuksan na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa dulot na matin­ding trapik, bukas na sa mga motorista ang ilang kalsadang isinara na apektado sa pagbagsak ng mga tipak-tipak na bato dahilan upang tamaan ang isang pedestrian na Australyana habang dini-demo-lish  ang gusali ng isang five star hotel noong Biyernes ng hapon sa Makati City.

Inatasan ni Makati City  Mayor Romulo ‘Kid’ Peña Jr. ang tanggapan ng Public Safety Department (MAPSA), na tanggalin na ang one-way traffic scheme na ipinatupad sa kahabaan ng Paseo de Roxas Avenue, mula sa panulukan ng Makati Avenue hanggang Buendia Avenue.

Ito ay upang lumuwag ang daloy ng trapiko sa mga motoristang babagtas sa nabanggit na mga lugar.

Matatandaan, na nag­dulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa mga motorista  ang insidente nang  isinara ang mga kalsadang nasa hurisdiksiyon ng demolition.

Sinabi ni  Peña, suspendido pa rin ang isinasagawang demolition sa gusali ng hotel, na matatagpuan sa panulukan ng Paseo de Roxas at Makati Avenue hangga’t hindi nakukumpleto ang investigation report,  ang pinag-ugatan at kung sino ang responsable sa insidente.

Nabatid, na pinasuspinde noong Sabado ng alkalde ang demolition sa naturang gusali matapos tamaan ang isang Australian national na si Suzzane Mellor, 56 at isang Toyota Fortuner mula sa mga nagbagsakang tipak-tipak na bato.

Pinayuhan din ni Peña ang publiko lalu na ang mga pedestrian na huwag munang dumaan sa naturang mga lugar para maiwasan aniya ang disgrasya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BUENDIA AVENUE

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

MAYOR ROMULO

MGA

PUBLIC SAFETY DEPARTMENT

ROXAS AVENUE

SUZZANE MELLOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with