Mula December 14 hanggang Enero 3, 2016 moratorium sa road re-blocking, ipapatupad ng MMDA
MANILA, Philippines – Ipatutupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang moratorium sa mga road re-blocking, repairs at pipe laying sa mga lansangan sa Metro Manila bilang bahagi pa rin ito ng paghahanda sa inaasahang trapik ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Simula sa Disyembre 14 ng taong kasalukuyan hanggang Enero 3, 2016 ay epektibo na ang pagpapatupad ng naturang moratorium, ayon ito kay MMDA Traffic Engineering Center Head Noemi Recio.
Subalit, hindi saklaw sa moratorium ang mga flagships projects ng pamahalaan tulad ng bridge/repair construction; Emergency Leak Repairs or breakage ng water lines ng Manila Water Company at Maynilad Water Services Company na makakaapekto sa water supply sa Metto Manila.
Gayundin ang Flood Enterceptor Catchment Project ng DPWH at Expressway Project.
Nabatid na taunan nang ipinatutupad ang moratorium sa mga ginagawang paghuhukay sa kalsada at pagkumpuni tuwing papasok ang panahon ng Kapaskuhan dahil nakakadagdag ito sa pagbigat ng trapiko bunga ng pagdagsa sa Metro Manila ng mga tao galing sa kalapit na probinsiya para sa mamimili.
- Latest