^

Metro

Para iwas sunog: Gagamiting Christmas lights suriin - BFP

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilang araw na lang ay Pasko na, kaya naman doble na ang paalala ng kagawaran ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na doblehin ang pag-iingat sa mga gagamiting palamuti, lalo na ang mga christmas tree at parol sa kanilang mga tahanan para iwas sunog.

Ayon kay Supt. Renato Marshal, tagapagsalita ng BFP-National Capital Region, madalas na may nagaganap na sunog kapag malapit na ang kapaskuhan dahil karamihan sa mga residente ay hindi pa bukas ang kaalaman kung papaano kukuha ng produktong ligtas na gamitin o kaya ay papaano ang tamang paggamit nito.

Sabi ni Marshal, partikular na dapat na tandaan ng publiko na ang dapat na bilhing gamit ay hindi sub-standard, tulad ng mga nabibili lamang sa murang halaga dahil kara­mihan sa mga ito ay mga peke at hindi dumaan sa tamang pagsusuri ng Department of Trade and Indusrty (DTI) at kung may Import Commodity Clearance (ICC) na nakamarka bilang patunay na ito ay tumutugon sa standards at ligtas na gamitin.

Dahil may ilan sa mga negosyante ang namemeke ng markang ICC kailangan an­yang suriin maigi ang produkto sa pamamagitan ng pagta­ta­­­nong sa mga ekspertong elec­trician nang makaiwas sa sunog.

Bukod dito, ilayo din anya ang mga gamit sa mga combustible o madaling masunog tulad ng carpet, kurtina at mga papel. Mas nakakaiigi anyang malaman kung ano ang dapat na gamitin sa labas o loob ng kanilang tahanan dahil ma­dali itong masira o magshort circuit.

Iwasan din anya ang gu­mamit ng nakakaraming pala­­muting de kuryente na ma­aring ikabit ang linya sa iisang saksakan dahil magdudulot ito ng overloading na maaring pagsimulan ng sunog.

Ang higit sa lahat, giit ni Marshal ay maging responsable at sa taas ang level ng conciousness ng bawat publiko na kapag alam na delikado ay huwag ng piliting gamitin pa. Tanggalin anya ang mga nakasaksak ng kuryente kapag aalis ng bahay o matutulog sa gabi.

Gayunman, kung nagtiti­pid at nais pa ring gamitin ang mga palamuting christmas lights na nagamit na noong nakaraang taon. 

Sabi ni Marshal, maari pa rin anya itong gamitin depende sa naging pangangalaga nila dito o kaya ay ob­serbahan ang mga wire kung maayos pa.

 

ACIRC

ANG

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSRTY

IMPORT COMMODITY CLEARANCE

MGA

NATIONAL CAPITAL REGION

RENATO MARSHAL

SABI

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with