‘Pagbasura ng CTA case Christmas gift sa akin’ -- Erap
MANILA, Philippines – Itinuturing ni Manila Mayor Joseph Estrada na Christmas gift sa kanya ang pagkakabasura ng kanyang kaso sa Court of Tax Appeals (CTA).
Ayon kay Estrada, matagal nang dapat naibasura ang kaso matapos na madismis ang kanyang plunder laban sa kanya.
“Finally, after how many years I got the justice that I deserve,” ani Estrada.
Napatunayan na rin wala silang kasalanan sa plunder at walang basehan ito kaya’t siya ay vindicated. Aniya lalabas naman talaga ang katotohanan.
Giit pa ni Estrada na humingi na sa kanya ng tawad ang lahat kabilang sina dating pangulong Corazon Aquino at ilang Obispo ng Simbahang Katolika sa pagsasabwatan na matanggal siya sa pagkapangulo noong 2001.
Isa lamang umano ang Jose Velarde account sa mga ginamit na ebidensiya ng pamahalaan laban sa kanya.
Dito siya nasintensiyahan ng guilty ng Sandiganbayan special division.
Gayunman, binigyan siya ng pardon ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kung saan ibinabalik ang kanyang “civil and political rights.”
- Latest