^

Metro

Binata patay sa riding in tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 31an­yos na lalaki makaraang pag­babarilin ng riding in tan­dem suspect sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Si Arnel Colar, binata ng 149-C Mapayapa St., Freedom Park 2, Brgy. Batasan hills sa lungsod ay agad na binawian ng buhay dahil sa tinamong mga tama ng bala sa kanyang katawan, ayon ulat ng pulisya. Blangko naman ang otoridad sa pagkakakilanlan ng mga salarin .

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Katagian St., ng nasabing barangay, ganap na alas-8:45 ng gabi.

Sabi ng testigong si Marlon­ Verba, kasalukuyan siyang nanonood ng debut party ng kaibigan nang makarinig sila ng mga putok ng baril hindi kalayuan sa lugar.

Dahil dito, nagpasya si Verba na tignan ang pinanggalingan ng putok kung saan pagsapit sa nasabing lugar ay nakita niya ang isang lalaki na may hawak ng baril ang naglalakad patungo sa isang kasamahang naghihintay sa motorsiklo at sumakay saka humarurot patungo sa Kalayaan Avenue.

Habang ang biktima naman ay nakita niyang dugu­ang nakahandusay sa na­sa­bing lugar. Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa crime scene narekober sa lugar ang limang basyo at dalawang tingga ng bala ng kalibre 45 baril at isang improvised handgun na may karga na isang bala ng kalibre 38 na hindi pumutok. Habang ang biktima ay nagtamo ng multiple gunshot wounds sa kanyang buong katawan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

C MAPAYAPA ST.

FREEDOM PARK

HABANG

KALAYAAN AVENUE

KATAGIAN ST.

SCENE OF THE CRIME OPE

SHY

SI ARNEL COLAR

VERBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with