^

Metro

Social media gagamitin sa anti-drug drive

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gagamitin na ng QC government ang social media sa mga kampanya hinggil sa citywide anti-drug advocacy epektibo December 1.

Ang kampanya na tatawaging Dislike Drugs ay nanawagan para sa paggamit ng lokal na pamahalaan sa social media laluna sa  Facebook upang mapahusay ang kaalaman at mapalawak ang kalinangan ng mga kabataan sa pagpuksa sa problema ng lunsod sa illegal drugs.

Kasama ng QC government sa pangunguna ni 3rd  District Rep. Jorge “Bolet” Banal ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang kapit bisig na mapagtagumpayan ang Dislike Drugs Campaign na ilulunsad sa  Quirino High School sa Proj. 3 sa darating na December 1.Matapos ang launching ay magkakaroon na ng serye ng school visitation at lectures ang mga project proponents sa ibat ibang  QC high schools para resolbahin ang problema sa droga.

Ilan pa sa mga bibisitahin ang Carlos P. Garcia High School, Juan Sumulong High School, Jose P. Laurel

High School, Camp Gen. Emilio Aguinaldo High School, Quirino High School, Balara High School at Don Quintin Paredes High School sa QC.

ANG

BALARA HIGH SCHOOL

CAMP GEN

CARLOS P

DISTRICT REP

DON QUINTIN PAREDES HIGH SCHOOL

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS CAMPAIGN

HIGH

QUIRINO HIGH SCHOOL

SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with