^

Metro

Info komiks gagamitin ng Quezon City sa birthright drive

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng kampanya na mabigyan ng libreng birth registration ang mahihirap na taga-QC, maglulunsad ang Rotary club of Cubao business center at QC civil registry department ng isang komiks information material na nagsasaad ng kahalagahan ng pagrerehistro ng kapakanan ng bawat bata.

Ang info komiks na may pangalang “Operation: Birthright” ay takdang ilunsad ni QC Mayor Herbert Bautista sa December 15.

Layunin ng hakbang na maitaas ang rate of birth registration sa QC sa pamamagitan ng komiks project, “operation: birthright, a right to a name, an identity and nationality.”    

Ang proyekto ay nai-adopt na ni QC Vice Mayor Joy Belmonte sa mga public schools at iba pang populated barangays sa lunsod.

Sa ngayon, may 27,965 indigent city residents na ang nagbenepisyo sa programa mula nang ito ay ipatupad noong September 1999.

Ang Info Komiks launching ay dadaluhan ng mga opisyal ng QC, City Civil Registrar Ramon Matabang, pu­nong barangays at iba pang stakeholders.

Ayon kay Matabang, may 400 kopya ng info komiks ang iimprenta para maipamahagi sa iba’t ibang barangay sa lunsod.

Sa record ng Civil registry department, may 6.2 percent ng populasyon sa QC ay hindi  rehistrado sa tanggapan.

ACIRC

ANG

ANG INFO KOMIKS

AYON

BILANG

CITY CIVIL REGISTRAR RAMON MATABANG

CUBAO

LAYUNIN

MAYOR HERBERT BAUTISTA

NBSP

VICE MAYOR JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with