^

Metro

3 wanted, 10 pa nadagit sa Pasay anti-criminality

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labing-tatlo (13) katao kabilang ang tatlong wanted ang arestado sa isang “One Time Big Time Operation” na isinagawa ng Pasay City Police kahapon.

Kinilala ni Pasay City Police Chief, P/Sr. Supt. Joel B. Doria, ang mga na­dakip na sina Jessifer Perez, 30, ng #107 R. Higgins St., Maricaban nasabing lungsod, may warrant of arrest dahil sa kasong murder; Donnie Martin Nacar, 32,  ng #523 Dimasalang St., Maypajo, Caloocan City, may warrant of arrest sa kasong paglabag sa Section R.A. 9262 o Anti-Vio­lence Against Women and Children Act at Jose Labadia, 29, ng #1836 Rodriguez St., Barangay 1, Pasay City,  may kasong frustrated murder.

Bilangguan din ang kinahantungan nina Manuel Buhay, 45, binata, ng #13 De Agosto St., Barangay  41, Zone 6, Pasay City;  Vincent Labasteda “alyas Bay”, 40, binata, isang barker, taga  Batangas St.,  Pasay City; Marian Basas “alyas Marian”, 18, dalaga, ng #8544 Kaong St., Barangay San Antonio Village, Makati City at Anthony del Rosario “alyas Anthony”, 24, sidecar boy, taga  #953 G. Dolores St., Dominga, Barangay 730, Malate, Manila.

Alas-9:00 kahapon ng umaga nang  magsagawa ng “One Time Big Time Operation” o anti-criminality ang mga kagawad ng Pasay City Police sa pamumuno ni Police Chief Inspector Carlito Narag Jr. sa Tramo at F. Muñoz    Sts., nasabing lugar.  

Nadakip din ang anim na motoristang lumabag sa batas trapiko na sina Christopher Glor; Jun Ja­gong;  Aldwin Abaya; Victor Flores; Manolo Libona at Albert De Leon.

Halos may dalawang oras na nagsagawa ng anti-criminality operation ang mga pulis sa naturang lugar, na nagresulta nang pagkakadakip ng 13 katao.

ACIRC

AGAINST WOMEN AND CHILDREN ACT

ALBERT DE LEON

ALDWIN ABAYA

ANG

BATANGAS ST.

CITY

NBSP

ONE TIME BIG TIME OPERATION

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with