^

Metro

Fish porter todas sa droga

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang fish porter na umano’y sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga ang napatay matapos pagbabarilin ng tatlong hindi nakikilalang suspek habang nasa malubha namang kalagayan ang kasama nito na tinamaan ng ligaw na bala sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Pagamutan Bayan ng Malabon sanhi ng mga tama ng kalibre .9mm at .45 na baril sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Fernando Goli, 38-anyos, ng #101 Burgos St., Ugnatan, Brgy., Concepcion ng nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa Tondo General Hospital sanhi ng tatlong tama ng bala sa likod ang isa pang biktima na  si Dennis Rivera, 49, ng #105 Burgos St., nasabi ring barangay.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng suspek at pina-follow-up na rin ng mga pulis ang insidente.

Sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Severino Abad Jr., hepe ng Malabon City Police, naganap ang insi-dente  alas-10:00 ng gabi sa Pilapil St., nasabing barangay.

Naglalakad ang mga biktima nang bigla na lamang sumulpot ang tatlong hindi kilalang mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito at saka mabilis na tumakas habang dinala ang mga biktima sa naturang paga­mutan subalit hindi na umabot ng buhay si Goli.

Lumalabas na si Goli ay paulit-ulit na inireklamo ng ilan nitong kalugar dahil sa panunutok ng baril kung saan napag-alaman na sangkot din umano ito sa pagbebenta ng droga sa Navotas City at sa kanilang lugar.

Ayon naman sa mga kaanak ni Goli, dalawang linggo bago ang insidente ay binalaan pa ang nasawi ng isang “alyas Pogi” na palagi itong tumingin sa kanyang likuran dahil bayad na umano ang buhay nito.

ANG

BURGOS ST.

DENNIS RIVERA

FERNANDO GOLI

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MGA

NAVOTAS CITY

PAGAMUTAN BAYAN

PILAPIL ST.

POLICE SR. SUPT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with