^

Metro

Sa dagdag requirements sa license renewals LTO personnel at drivers, nagkakainitan na!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Halos magpambuno at nagpalitan ng maaanghang na salita ang empleado ng LTO Licensing Office at isang driver nang hindi payagan ang huli  na ma­ka-renew ng drivers license kahapon sa East Avenue, Quezon City.

Ito ay dahil sinasabi ng empleyado ng LTO na intact pa rin ang implementasyon ng requirements na PNP at NBI clearance sa mga driver na magrerenew ng drivers license dahil hindi pa naman nasusus­pinde ni LTO Chief Alfonso Tan ang naipalabas nitong memorandum para dito.

Ipinagpipilitan naman ng naturang motorista na kaya hindi na siya kumuha at nagdala ng naturang mga requirements ay dahil nabasa niya sa ating pahayagan na lifted na o sinuspinde na ang memorandum para sa naturang dagdag requirements sa pagkuha ng drivers license. 

“Sa diyaryo pa lamang ang suspension pero wala pa namang ibinababa sa aming memo para sa sus­pension kaya hanggat walang papeles na nagsasabing suspended ang memorandum, tuloy ang implementation niyan!” pa­hayag ng LTO employee na hindi pinangalanan. 

“Lahat kayo sa LTO, wa­lang kuwenta, wala ka­yong modo! Pinahihirapan niyo ang mga tao!, malay ba namin na sa diyaryo lang pala ang suspension! Dapat irenew niyo ang li­sensiya ko, nagpagod ako at gumastos para pumunta dito tapos wala kayong ga­gawin! Pasigaw na sinabi ng  motorista na hindi nakapag-renew ng lisensiya kahapon.

Magugunitang sa Se­nate hearing noong Lunes ay sinabi ni DOTC Secretary Jun Abaya na ipinasuspinde na niya ang memorandum ni Tan na nag-uutos ng dagdag PNP at NBI clearance sa pagkuha ng drivers license kayat natuwa ang mga tao sa nabasa sa mga di­yaryo gayung sa katotohanan ay wala namang ginawa para dito si Tan para suspindihin ang naturang kautusan.

Una nang hiniling ng transport sector ang pag­sibak ni Pangulong Noynoy Aquino kay Tan dahil sa ganitong mga pasakit sa mga driver at kapabayaan na magampanan ang tungkulin na mapangaala­gaan ang interes ng milyong mga motorista sa bansa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHIEF ALFONSO TAN

DAPAT

EAST AVENUE

LICENSING OFFICE

MGA

PANGULONG NOYNOY AQUINO

QUEZON CITY

SECRETARY JUN ABAYA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with