^

Metro

Dahil sa kasong graft 10- taon kulong kay ex-Pasay City Mayor Peewee Trinidad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinatulan ng sampung taong pagkabilanggo ng Sandiganbayan si da­ting   Pasay City Mayor Wen­ces­lao­ “Peewee” Trinidad ma­­ta­pos mapatunayang nag­­ka­sala sa kasong graft na may kinalaman sa ma­anomalyang pagtatayo ng isang shopping center  noong taong 2004. 

Sa 30 pahinang kautusan, napatunayan ng San­diganbayan First Division na guilty si Trinidad at kap­wa akusadong sina dating­ Pasay City councilor Jose Antonio Roxas sa pagla­bag sa  Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act and Article 237 of the Revised Penal Code (RPC).

Ang kaso ay nag-ugat sa umanoy maanomal­yang­­­ pag-aaward ng P489.950-million contract sa pribadong kompanya na Izu­mo Contractors Inc. no­ong February 4, 2004 para sa pagtatayo ng Pasay City Mall at palengke sa  Antonio S. Arnaiz Avenue.

Bukod sa tig-10 taong bilanggo na hatol kina Tri­nidad at Roxas, may dagdag pang isang taong kulong sa mga ito dahil sa paglabag sa RPC.

 Bukod sa kulong, pi­nagbabawalan na rin ang mga itong magtrabaho sa alinmang posisyon sa gob­yerno.

Pinagmumulta din sila ng P200 lamang kada isa sa halip na bayaran ang buong halaga ng kontrata dahil hindi napatunayan ng prosekusyon na ang proyekto ay nagbigay ng epekto sa pamahalaan.

Inutos din ng korte na e-archive ang katulad na kaso laban sa mga co-accused na sina Joselito Manabat at Alexander Ramos, pawang mga private individuals dahil patuloy pa rin ang mga itong nakalalaya sa batas.

ACIRC

ALEXANDER RAMOS

ANG

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT AND ARTICLE

ANTONIO S

ARNAIZ AVENUE

BUKOD

CONTRACTORS INC

FIRST DIVISION

JOSE ANTONIO ROXAS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with