^

Metro

Mas mahigpit na seguridad, ipapatupad sa Taguig

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang maging ligtas at maging mapayapa ang pagdi­riwang ng Kapaskuhan, magpapatupad ng mahigpit na seguridad ang Taguig City Po­lice sa mga matataong lugar lalu na sa mga shopping malls.

Sa isinagawang command conference ng mga opisyal ng lokal na pulisya, sa pangu­nguna ni Senior Supt. Arthur Felix Asis, sinabi nitong layunin nilang maging maayos at tunay na kasiya-siya para sa lahat ang panahon ng Kapaskuhan.

Isa sa mga tutukan ng pulisya ang shopping areas sa lungsod kabilang ang Bonifacio Global City (BGC) kung saan libong­ katao ang nagtutungo kada araw.

Ang hakbangin ng pulisya ay base na rin sa direktiba ni Taguig City Mayor Lani Caye­tano, na higpitan ang seguridad sa pangunahing business district  ng lungsod.

Dahil dito, magdaragdag  ng mga tauhan ang pulisya sa mga shopping mall, business district, ang BGC at iba pang matataong lugar. Ipatu­tupad din ang mahigpit na police visi­bility sa paligid ng lungsod upang mapigilan ang anumang krimen.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga opisyal o tagapa­mahala ng mga banko, money remittances at money changing shops, pawnshops at iba pang financial institutions para pag-usapan ang paraan sa pag-iwas na maging biktima ng mga kawatan.

Nanawagan naman ang Ta­guig City Police sa mga ma­­ma­mayan ng lungsod na ma­­­kipagtulungan sa kanila sa hakbanging sugpuin ang kri­minalidad at sa pagpapa­natili ng peace and order kung saan may itinalaga silang hot­line number (02) 642-3582, bukod pa sa PNP Patrol 117 para sa pagbibigay ng police assistance.

Gayundin, hinimok ang lahat na gamitin ang “I-Text Mo kay Chief” mobile number 0929-8072893 kung may nais na maipaabot na sumbong o reklamo at iba pang impor­masyon at tinitiyak na magi­ging confidential ang mga ito.

ACIRC

ANG

ARTHUR FELIX ASIS

BONIFACIO GLOBAL CITY

CITY POLICE

I-TEXT MO

KAPASKUHAN

MGA

SENIOR SUPT

SHY

TAGUIG CITY MAYOR LANI CAYE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with