^

Metro

Pangangaroling sa kalsada bawal - Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bibitbitin ang mga street dwellers o batang mangangaroling sa kalsada at sa mga sasakyan.

Ito ang binigyan diin ni Manila Mayor Joseph Es­trada ka­ugnay ng paglipana ng mga batang nangangaro­ling at sumasampa sa mga pam­publikong sasakyan.

Sa panayam kay Estrada, sinabi nito na hindi niya papayagang maglipana ang mga batang lansangan maging ang mga street dweller habang papalapit ang kapaskuhan. Mapanganib sa mga ito ang pagkalat sa daan kailangang protektahan ang mga ito  dahil nasa huridiksiyon pa rin sila ng  Maynila.

Sinabi ni Estrada na inatasan na niya ang Manila Police­ District­ na dalhin sa RAC o sa Boystown ang mga batang makukuha sa lansangan. Gayunman, pinapayagan­ naman na ma­ngaroling sa mga bahay-bahay ang mga bata lalo pa’t ito rin ang ka­nilang ginagamit na pangtawid gutom.

Binigyan-diin din ni Estrada na patuloy naman ang kanilang mga paglilinis sa mga street dwellers kahit tapos na ang APEC dahil ka­ilangan pa ring maitaas ang imahe at ganda ng lungsod. Kailangan mahikayat ang mga dayuhan at foreign investors upang mas marami pang proyektong maipagawa sa lungsod.

ACIRC

ANG

BIBITBITIN

BINIGYAN

BOYSTOWN

GAYUNMAN

ITO

MANILA MAYOR JOSEPH ES

MANILA POLICE

MGA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with