‘Kasalang Bayan’, handog ng Makati City
MANILA, Philippines – Magkakaroon ng “Kasalang Bayan” ang pamahalaang lungsod ng Makati sa mga nagsasama na hindi kasal dahil sa walang maipanggagastos sa layuning lalong mapatatag ang kanilang mga pagsasama.
Ang kasalang bayan na may temang “Kasalang Bayan para sa Matatag na Pamilya 2015” ay pangungunahan ni Acting Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña, Jr.
Gaganapin ito sa darating na Disyembre 18, 2015 sa Makati Session Hall mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon, na pangangasiwaan ng City Civil Registration Office (CCRO).
Ayon pa kay Peña, magastos aniya ang pagpapakasal ngayon kaya napapanahon ang proyektong ito ng lungsod bilang tugon na rin sa mga usaping may kinalaman hinggil sa hindi pa ikinakasal na magsing-irog na nagsasama na sa iisang bubong.
“More than legitimizing their partnership, getting married would give these couples legal and domestic rights and privileges, and at the same time help them to be more responsible parents to their children, who will also become legitimate,” ayon Peña.
Bukod umano sa wedding ceremony at photo opportunity kasama ang alkalde at city officials, gayundin ang kamag-anak ng mag-asawa at mga ninong at ninang ay magbibigay rin ang lungsod ng libreng pagkain at inumin sa wedding reception.
Libre na rin ang bayarin para sa certificate of no marriage (CENOMAR) na nagkakahalaga ng P235 kada tao at marriage license na nagkakahalaga naman ng P300 kada mag-asawa.
- Latest