^

Metro

2 timbog P9-M shabu nasamsam sa drug bust

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P9 na milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Quezon City Police District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (QCPD DAID-SOTG) at ng District Special Operation Unit (DSOU) sa isinagawang buy bust ope­ration sa lungsod kasabay ng pagkakadakip sa dalawang big­time drug pushers, kaha­pon ng umaga

Ayon kay QCPD Director Edgardo Tinio, ang nasabing halaga ay katumbas ng tatlong kilo ng shabu na nasamsam sa mga nadakip na mga suspect na sina Paul Co, 44, negos­yante, ng Brgy. Bahay Toro Quezon City  at Arvin Caray, 38, family driver ng Brgy. Tejeros, Makati City.

Nadakip ang mga suspect ng pinagsanib na pu­wersa ng DAID-SOTG na pinamu­nuan ni Chief/ Insp. Enrico Fi­gueroa at ng District Special Operations Unit (DSOU) sa pa­­mumuno naman ni Supt. Jay Agcaoli. Naganap ang pag-aresto ma­tapos ikasa ang buy-bust ope­ration sa V. Luna Ave­nue at Mapagbigay St., Brgy. Pinyahan sa lungsod ganap na alas-5:45 ng umaga.

Nabatid na halos dalawang linggo nang minanmanan ang mga suspect dahil sa impormas­yon kaugnay sa pagiging ‘tulak’ ng mga ito ng shabu, pero masyado anyang madulas dahil madaling nakakatunog kung may mga operatibang sumusunod sa kanila.

Subalit, kahapon ng umaga nang muli silang makipagtran­saksyon sa mga suspect para sa pagbili nila ng 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon ay napapayag ang mga ito kung saan una silang nagkita para sa bentahan sa isang bahagi ng isang mall.

Pero pagsapit sa naturang lugar ay walang naganap na bentahan sa halip ay tinignan lamang ng mga suspect ang dala nilang pera, saka nagpasya na lumipat sa ibang lugar partikular sa V. Luna Avenue at Mapagbigay St., Brgy. Pinyahan kung saan nangyari ang bentahan at pag-aresto sa kanila.

Nasamsam sa mga suspect ang naturang shabu at isang sasakyang Suzuki Swift (JTS-88) na ginamit nila sa operasyon,  tatlong piraso ng cellular phones, at ang P10,000 na tig-P1,000 bills na ginawang “boodle money” para mabuo ang halagang P1 million para sa pagbili ng isang kilo ng shabu.

Ang mga suspect ay nakapiit ngayon sa QCPD DAID-SOTG Detention Cell sa Camp Kari­ngal habang inihahanda ang isa­sampang kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang comprehensive dangerous act of 2002.

ACIRC

ANG

ARVIN CARAY

BAHAY TORO QUEZON CITY

BRGY

CAMP KARI

DETENTION CELL

DIRECTOR EDGARDO TINIO

MAPAGBIGAY ST.

MGA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with