^

Metro

Trabaho sa mga PWDs sa Makati City hall

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magandang balita para sa mga may kapansanan o persons with disabili­ty (PWDs) dahil may pagka­kataon nang makapagtrabaho ang mga ito sa Makati City Hall.

Kaalinsunod na rin ito sa desisyon ni Makati City Ac-ting Mayor Romulo “Kid” Peña Jr.,  na bigyan ng oportunidad ang mga PWDs na makapagtrabaho sa City Hall.

Hindi umano hadlang ang kapansanan ng mga ito sa pagtataguyod ng kanilang ki­nabuksan sa pamamagitan aniya nang maayos na pagta­trabaho at bukas ang city hall para bigyan sila ng pagkakataon.

Ayon kay city information officer Gibo Delos Re­yes, mayroon ng 25 newly-hired PWDs sa City Hall. Kabilang dito ang pitong casual emplo-yees at labing walong under job orders.

Ang mga bagong hired ay siyang inatasang magsusulong ng mga advocacy works na nagtataguyod ng karapatan ng mga PWDs na nakapaloob sa ilalim ng Magna Carta for Disabled Persons or Republic Act 9442.

Labis naman ikinagalak ng grupo ng PWDs sa pangu-ngu­na ni Makati PWD Fede­ration president Errol Barba ang naging hakbangin ni Peña,  na isa umanong  pagpapakita ng pantay na pag­trato nito sa mga PWDs.

“Nagpapasalamat ka-ming lahat sa aming hanay sa napakagandang oportunidad na ipinagkaloob ni Mayor Peña. Dahil sa kanya, magi­ging masaya ang Noche Buena ng aming mga pamilya. Higit sa lahat, ramdam namin ang aming halaga sa komunidad, kahit kami’y may kapansanan,” ayon kay Barba.

ACIRC

ANG

ATILDE

CITY HALL

DISABLED PERSONS

ERROL BARBA

GIBO DELOS RE

MAGNA CARTA

MGA

NBSP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with