Most Child-Friendly Barangay sa Makati
MANILA, Philippines – Prinoklama na ng pamahalaang lungsod ng Makati ang limang barangay na nagwagi para sa “Most Child-Friendly Barangay of Makati for 2015” matapos itong aprubahan ng Local Council for the Protection of Children (LCPC).
Pinangunahan ni Makati City Acting Mayor Romulo ‘Kid’ Peña Jr. ang pagbibigay ng parangal sa limang barangay, ito ay ang Brgy. East Rembo sa pamumuno ni Chairman Artemio Contreras, ito ay nasa category A; nasa category B naman ang Gua-dalupe Viejo sa pamumuno naman ni Chairman Dennis Almario; nasa category C naman ang South Cembo, na ang barangay chairman ay si Richard Raymund Rodriguez; ang Barangay Kasilawan naman ay nasa category D sa pamumuno naman ni Chairwoman Kristine Mae Casal-Reyes at ang Barangay San Lorenzo Village, na nasa category E, na ang chairman naman ay si Ernesto Moya.
Ang nabanggit na mga barangay ay nagwagi sa “Search for Most Child-Friendly Barangay of Makati for 2015”, dahil naipakita ng mga ito ang pagbibigay ng protection at pangangalaga sa mga karapatan ng mga kabataan sa lungsod.
Bukod, sa mga trophy, tumanggap din ng cash prize, ng halagang tig- P100,000.00 ang bawat isang barangay na nagwagi.
Nabatid, na ang nagwa-ging barangay ay obligadong magsumite ng kanilang mga project proposal, na may kinalaman sa pagtataguyod ng mga karapatan at kapakanan ng mga kabataan, na ang halaga ay katumbas sa cash prize na napanalunan nila upang ma-claim nila ito.
- Latest