Vendors ng Quinta Market, nagkakasakit
MANILA, Philippines – Bukod sa hindi maayos na kita ng mahigit sa 200 lehitimong vendors ng Quinta Market sa Quiapo, Maynila, apektado na rin umano pati kalusugan ng mga manininda rito.
Ito ang isiniwalat at na-ging hinaing ng mga opis-yal ng Quiapo Public Market Development Cooperative (QPMDC) kay 5th District Congressman Amado Bagatsing nang imbitahan nila itong bisitahin ang naturang palengke upang ipakita ang tunay nilang kalagayan apat na buwan matapos na ipag-utos ni Manila Mayor Joseph Estrada na i-demo-lish ang Quinta Market upang bigyan daan ang privatization project sa pagitan ng City Government of Manila at Market Life Lea-sing Corporation.
Ayon kay QPMDC Chairman Arnold Chico, dahil sa kawalan ng maayos at sapat na ventilation ng lugar kung saan inilipat ang mga vendors mula sa kanilang dating puwesto sa loob ng Quinta Market, kaliwa’t kanan umano nga-yon ang kaso ng mga vendor na nagkakasakit.
“Kawawa ang kalagayan ng mga kasamahan naming vendors dito sa loob ng mala-oven na lugar na ito. Walang maayos at sapat na ventilation ang pinaglagyan sa amin, kaya naman ang siste, nauuwi sa pagkakasakit. Pneumonia, lagnat, sipon, trangkaso, halo-halong sakit,” paliwanag ni Chico.
Ayon naman kay Santos, malaki umano ang epekto nito sa kalusugan at kabuhayan ng mga vendors. “imbes na yung kikitain namin ay pambili ng pa-ngangailangan at sa panggastos para sa aming pamilya ay mababawa-san pa ito ng pampa-ospital at pambili ng gamot,” paliwanag ni Santos.
Nababahala naman ang kongresista sa kasalukuyang kalagayan ng mga vendors, kaya naman ipinangako nito na patuloy na aalalay ang kanyang tanggapan upang mabigyan ng legal assistance ang mga ito upang ipaglaban ang kanilang karapatan.
- Latest