^

Metro

Traffic enforcer kulong sa pambubugbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 27- anyos na traffic enforcer makaraang akusahan na nambugbog sa isang motorcycle rider sa isang alterkasyon sa trapiko, Huwebes ng gabi sa Valenzuela City.

Sinampahan ng kasong physical injuries si Mark Magdael, miyembro ng Traffic Management Unit ng Valenzuela City at residente ng Bonbon St., Brgy. Ugong.

Inireklamo ito ni  Felimon Herrera Jr., 38, na nakaratay ngayon sa East Avenue Medi­cal Center dahil sa ti-namong mga pinsala.

Sa ulat, kapwa binabagtas ni Magdael lulan ng kanyang SYM scooter at ni Herrera sakay naman ng kanyang motorsiklo (TS 7600) ang Que Grande Street dakong alas- 11:30 ng gabi.

Sinusundan ng biktima si Magdael nang biglang huminto ito sa kanto ng Lamesa Street sanhi upang tumama ang motor ng biktima sa likuran ng scooter ng suspek nang huling makapagpreno.

Tinangka naman uma­nong humingi ng dispensa ng biktima kay Magdael ngunit agad na siyang ginulpi nito.

ACIRC

ARESTADO

BONBON ST.

EAST AVENUE MEDI

FELIMON HERRERA JR.

LAMESA STREET

MAGDAEL

MARK MAGDAEL

QUE GRANDE STREET

TRAFFIC MANAGEMENT UNIT

VALENZUELA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with