Sekyu nagbaril sa sarili
MANILA, Philippines – Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili ang isang security guard sa loob ng isang banyo ng isang gas station sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Inves-tigation and Detection Unit, ang biktima ay nakilalang si Judy Boy Picaso, 27 ng Sarmiento compound, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.
Ayon kay SPO4 Rafael de Peralta ng QCPD-CIDU, ang biktima ay nadiskubre lamang ng gasoline boy na si Bong Samsona sa loob ng comfort room ng gasolinahan na matatagpuan sa kanto ng Congressional Avenue, at Visayas Avenue, ganap na alas -2 ng madaling-araw.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Rhic Roldan Pittong, may-hawak ng kaso, gagamit sana ng palikuran si Samsona nang pagbukas nito ng pinto ay bumulaga sa kanyang harapan ang walang buhay at duguang katawan ni Picaso.
Agad na ipinagbigay alam ni Samsona ang insidente sa barangay na siya namang tumawag ng awtoridad para sa pagsisiyasat.
Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) narekober sa tabi ng biktima ang isang armscor shotgun na may isang bala at isang basyo nito, ga-yundin ang limang tingga nito
Pinalalagay din ng imbestigador na nagbaril ang biktima sa pamamagitan ng pagsubo sa baril saka ipinutok dahil halos sumabog anya ang likurang bahagi ng ulo nito.
Sinasabing nagpakamatay ang biktima dahil sa dinamdam nitong labis, ang ginawang pag-iwan sa kanya ng kanyang kinakasama, bagay na siyang iniimbestigahan ngayon ng pulisya.
- Latest