^

Metro

2 holdaper ng lady cop, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang holdaper na itinurong sangkot sa panghoholdap at pagtangay ng service firearm ng isang policewoman ang naaresto sa isinagawang operasyon ng Manila Police District-station 1 sa Vitas, Tondo, Maynila, ka­makalawa ng gabi.

Sa ulat mula sa tanggapan ni P/Supt. Redentor Ulsano, hepe ng MPD-station 1, dinakip ng kaniyang mga tauhan ang mga suspek na kinilalang sina Marvin Austria, 18, residente ng Unit 88, Building 9 Temporary Housing at Christopher Saradaga, 18, ng Unit 25, Bldg. 22, Temporary Housing, Tondo.

Nasamsam sa kanila ang isang sumpak na kalibre .38, bala, pata­lim at 6 na pirasong plastic sachet ng shabu.

Alas 10:00 ng gabi  ka­makalawa nang ma­dakip ang dalawa sa pagitan ng exit gate ng Harbour Center at Marala Bridge, Vitas, Tondo.

Iniharap sa bikti-mang si PO1 Jingky Mon­­santo, nakatalaga sa Northern Police District (NPD) ang dalawang suspek na positibo niyang itinuro na kabilang sa humoldap sa kaniya noong Sabado ng umaga nang maipit sa trapik sa Radial 10, habang papunta sa APEC Summit dry run sa Pasay City.

Unang nadakip si Mark Emil Nicol matapos ang insidente suba­lit ang bag na lamang ni PO1 Monsanto ang nabawi habang ang kaniyang service firearm at cash na P8,000 ay hindi na rin nabawi.

Nasugatan din si Monsanto nang saksakin sa balikat ng isa sa 3 suspek nang siya ay manlaban habang sakay ng kaniyang motorsiklo.

 

ACIRC

ANG

HARBOUR CENTER

JINGKY MON

MANILA POLICE DISTRICT

MARALA BRIDGE

MARK EMIL NICOL

MARVIN AUSTRIA

MONSANTO

NORTHERN POLICE DISTRICT

TEMPORARY HOUSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with