^

Metro

‘Gapos gang’, muling sumalakay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa P.2 milyong halaga ng ari-arian ang natangay sa magkakamag anak matapos na looban ng tatlong armadong kalalakihang miyembro ng gapos gang sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police Station 9, ang bahay na pinasok ng mga suspect ay matatagpuan sa 22-B, Mahiyain St., Brgy. Teachers Village East sa lungsod.

Base sa pagsisiyasat ni SPO2 Morell Carranza, imbestigador sa kaso, nangyari ang insidente sa pagitan ng alas-3:00 hanggang alas-3:30 Martes ng hapon.

Partikular na naging biktima ng mga suspect ang magkakaanak na sina Ysabelle David, 25; Christian David, 22 at pinsan na si Daniel Ramboa, 24,  at si Ellen Romboa, 48; mga naninirahan sa nasabing bahay;  Leo Giron, 35, aircon technician, at Carlos Rosales, 24.

Kuwento ni Ysabel David sa imbestigador, kasalukuyan na nakaupo siya sa harap ng kanilang bahay habang ang gate ng kanilang compound ay nakabukas nang biglang pumasok ang mga suspect na may hinahanap na isang alyas Gil na umano’y drug pusher.

Kasunod nito ay naglabas ng baril ang mga suspect saka sila tinutukan at iginapos ng masking tape bago pinagsama samang ikinulong sa comfort room ang mga biktima.

Nagsimula nang maghalughog at mangulimbat ng mahahalagang gamit ang mga suspect saka mabilis na nagsitakas.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang awtoridad hinggil sa insidente.

ANG

CARLOS ROSALES

CHRISTIAN DAVID

DANIEL RAMBOA

ELLEN ROMBOA

LEO GIRON

MAHIYAIN ST.

MGA

MORELL CARRANZA

QUEZON CITY POLICE STATION

TEACHERS VILLAGE EAST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with