^

Metro

Barkers, ipagbabawal sa Mandaluyong

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng pa­­ma­halaang lungsod ng Mandalu­yong na gumawa ng isang ordinansa para i-regu­late o ipag­ba­wal ang mga jeepney barker.

Ang plano ay kasunod na rin nang pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na masolusyunan ang problema sa masikip na daloy ng trapiko­.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Jr., hiniling na niya sa mga kasapi ng konseho ng lungsod na pag-aralan ang posibilidad ng pagkakaroon ng ordinansa para sa mga barker.

Naniniwala ang alkalde na ang mga barker ang isa sa sanhi ng pagsisikip ng trapiko sa buong Metro Manila.

Aniya, kahit kasi nasa gitna o alanganin lugar na ay pina­para ng mga ito ang mga pam­pasaherong jeepney upang magsakay ng mga pasahero.

Sinabi ng alkalde na kailangan ring rebisahin ang mga batas nang sa gayon ay magkaroon ng isang ordinansa na maglalagay ng regulas­yon sa mga barker.

Tiniyak naman ni Abalos na magkakaroon­ sila ng proyektong pang­­ka­buhayan para naman hindi mawalan ng trabaho ang apektadong barker sa lungsod sa sandaling na­ipasa na ang ordinansa.

ABALOS

ACIRC

ANG

ANIYA

AYON

MANDALU

MANDALUYONG CITY MAYOR BENJAMIN ABALOS JR.

METRO MANILA

MGA

NANINIWALA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with