^

Metro

MRT tumirik sa pagbubukas ng APEC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinalubong ng aberya ang mga commuters ng Metro Rail Transit (MRT-3) nitong Lunes, kasabay pa naman nang pagsasara ng ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila dahil sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting.

Pasado alas-6:00 ng umaga nang pansamantalang matigil ang operasyon ng MRT-3 ma­tapos matukoy na may problema sa riles nito. Dahil sa aber­ya, nalimitahan ang biyahe ng MRT-3 mula Shaw Boulevard station hanggang Taft Avenue Extension at pabalik lamang.

Napilitan naman ang mga pasahero na sumakay na la­mang ng mga bus patungo sa kani-kanilang destinasyon upang hindi mahuli sa pag­pasok sa trabaho.

Bunsod nito, bumigat lalo ang daloy ng trapiko sa south­bound lane ng EDSA dahil­ sa mga commuters na naghihin­tay ng masasakyan sa kal­sad­a. Bago mag-alas-8:00 ng umaga nang maibalik sa normal ang biyahe ng MRT-3 matapos na ma-check at makumpuni ng mga personnel ang problema sa riles.

Matatandaang ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila ang isinara ng mga awtori­dad simula kahapon bunsod nang APEC week.

 

ACIRC

ANG

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BUNSOD

DAHIL

MATATANDAANG

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT

SHAW BOULEVARD

SHY

TAFT AVENUE EXTENSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with