^

Metro

‘Sugal-lupa’, direct assault ibinasura ng korte vs 6 katao

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Metropolitan Trial Court ang kasong paglabag sa P.D. No 1602 at direct assault laban sa anim katao na dinakip matapos na mahuling naglalaro ng  cara y cruz sa Sampaloc, Maynila.

Batay sa desisyon ni  MTC Branch 3 Judge Juan Bermejo,  dinismis ang kasong illegal gambling at  direct assault  laban kina Jon-Jon Brioso, Jayson Aguilar, Carlos Aguilar, Alberto Aguilar, Romeo Aguilar at Julius Carl Aguilar bunsod na rin ng kakulangan ng mga sapat na ebidensiya at testimonya.

Lumilitaw na inaresto ang  anim   dakong alas 7:50 noong Hunyo 12, 2012 sa Ilang-Ilang Alley, M. Dela Fuente St. Sampaloc, Maynila habang  nagsasagawa ng  pagpapatrolya ang mga kagawad ng  Manila Police District- Station 4( Sampaloc).

Subalit  nang  nasa presinto na ay sinabi nito PO2 Lawrence Sagum  sa kanyang testimonya na siya ang pinagtulungang itulak ng mga nahuling suspek na nagresulta naman ng kanyang mga sugat.

Sinabihan pa umano siya niina Romeo, Carl, at JC ng “Putang Ina Mo Ikaw Ang Kakasuhan Namin Ng Trespassing”. Ngunit ang nasabing testimonya  ay hindi  sinuportahan ng  iba pang  arresting officers.

Hindi rin umano sapat ang mga iprinisintang ebidensiya ng mga pulis sa korte upang ma convict ang mga akusado sa mga nasabing kaso.

Ang mga akusado ay kinatawan  ni dating IBP Governor for Greater Manila Region at pangulo ng Philippine Trial Lawyers Association (PTLA) Atty. Jose Icaonapo, Jr. ng Icaonapo Litong and Associates Law Office.

ALBERTO AGUILAR

ANG

CARLOS AGUILAR

DELA FUENTE ST. SAMPALOC

GREATER MANILA REGION

ICAONAPO LITONG AND ASSOCIATES LAW OFFICE

ILANG-ILANG ALLEY

JAYSON AGUILAR

JON-JON BRIOSO

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with