Publiko binalaan ng Manila Water vs ‘tirador’ ng metro
MANILA, Philippines – Inabisuhan ng pamunuan ng Manila Water, East Zone Water at used water service provider, ang kanilang mga kostumer na ma-ging vigilant laban sa magnanakaw ng metro ng tubig at tampering laluna kung ang kanilang water meters ay malayo sa lokasyon ng inyong mga bahay.
Ang paalala ay ginawa ni Manila Water Spokesperson, OIC for Corporate Strategic Affairs Group and Corporate Communications Head Jeric Sevilla makaraang maitala na umabot na sa 139 ang kaso ng stolen meters nitong nakalipas na Enero 2015 hanggang Oktubre 2015.
Hinikayat din nito ang mga customers na e-padlock ang metro ng kanilang tubig para maingatan mula sa mga magnanakaw at nagtatamper ng metro.
Nanawagan din si Sevilla sa mga may-ari ng junk shops na huwag bibilhin ang mga nakaw na water meters upang hindi mabuyo ang ilan na magnakaw ng metro para pagkaperahan. Ang pagnanakaw ng water meters ay nasa ilalim ng Anti-Fencing Law na may katapat na kaparusahan.
Pinaalalahanan din ng Manila Waters ang mga residential owners, business establishments at mga opisina na sa representatives lamang ng kompanya ipa-repair o kumuha ng replacement ng metro na nasira at kailangang kumpunihin.
Ang Manila Water ang nagsusuplay ng malinis na inuming tubig sa eastern portion ng Metro Manila o may 6.3 million custo-mers sa Pasig, Makati, San Juan, Taguig, Pateros, Marikina, Mandaluyong at ilang bahagi ng QC at Maynila at ilang bayan sa lalawigan ng Rizal.
- Latest