^

Metro

250 sinanay sa disaster town watching at hazard mapping

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa 250 trainee ang sumailalim sa pagsasanay ng pamahalaang lungsod ng Makati sa pakikipagtulungan ng Department of Education,  Ministry of Foreign Affairs ng Japan at  SEEDS Asia (Japan) para sa Disaster Town Watching at Hazard Mapping.

Ang 250 trainers ay nagmula sa 20 barangays ng dalawang distrito ng lungsod at ang pagsasanay ay bumuo sa initial phase ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management-Mobile Knowledge Resource Center (CBDRRM-MKRC), na proyekto ng lungsod.

Ayon kay  Acting Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña, Jr., na ang nasabing training sa barangay ay isang strategic approach upang madagdagan ang kapasidad ng lungsod sa pagbibigay ng impormasyon sa mga residente at stakeholders sa maiksing panahon lamang.

Pinuri din ni Peña ang pamahalaan ng Japan sa pamama­gitan ng Ministry of Foreign Affairs nito sa pagpopondo ng Makati MKRC Project. Nagpasalamat din siya sa SEEDS Asia (Japan) at DepEd Makati sa pagiging aktibong partner ng lungsod sa pagpapatupad ng proyekto.

Ayon sa Makati DRRM Office, lahat ng 13 na barangay sa ikalawang distrito  at pitong barangay sa district 1 ay sumailalim na sa dalawang araw na training-workshop para sa town wat-ching at hazard mapping at  ang 13 pang natitirang barangay sa unang distrito  ay nakaiskedyul para sa orientation at training.

 Habang nagwo-workshop, ang mga positibo at negatibong features ay naka-plot sa malalaking pasilidad at hazard maps na inilarawan sa pamamagitan ng marka at anotasyon, at isinalarawan na may kaukulang larawan na nakadikit. Kasama sa aktuwal na town watching ang pagpili ng isa o higit pang mga ruta ng bawat barangay, kung saan dapat makilala ng mga participants ang mga panganib at positibong tampok.

ACTING MAKATI CITY MAYOR ROMULO

ANG

ATILDE

AYON

COMMUNITY BASED DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT-MOBILE KNOWLEDGE RESOURCE CENTER

DEPARTMENT OF EDUCATION

DISASTER TOWN WATCHING

HAZARD MAPPING

MAKATI

MINISTRY OF FOREIGN AFFAIRS

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with