Paglilinis sa Mabuhay lanes, tatagal hanggang Hunyo 2016
MANILA, Philippines – Ang paglilinis sa mga itinalagang alternate route o Mabuhay lanes sa buong Metro Manila ay magpapa-tuloy hanggang sa matapos ang term ng kasalukuyang administrasyon sa June 30 ng susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Secretary to the Cabinet at traffic czar Jose Rene Almendras kasabay nang pagsasabing sinisiguro nila na ipapatupad ang ‘no par-king’ sa Mabuhay lanes at sa iba pang lansangan o lanes na kanilang ia-identify.
“Kailangan nating ma-bawi ang lansangan na isang pangunahing solusyon para magluwag ang trapiko’’, dagdag pa ni Almendras.
Samantala, asahan na-man ang mabigat na trapiko dahil sa mas maraming dry-run na isasagawa ang pamahalaan para sa preparasyon ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit na gaganapin sa bansa simula Nobyembre 17 hanggang 20, 2015 ng APEC.
Bukod sa maraming isasagawang dry-run ang gobyerno, nakalatag na rin ang contingency plan para sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad at pagmamantina ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Bukas araw ng Sabado (Nobyembre 14), magkakaroon ng major dry-run simula alas-7:00 ng umaga kasama dito ang pagpa-practice ng mga convoy patu-ngong mga hotel at lugar na pagdadausan ng APEC.
Posible aniyang isarado ang malaking bahagi ng EDSA patungong major thoroughfare sa Linggo (Nobyembre 15) sa loob ng 30 minuto upang i-practice ang pagbibigay daan sa mga VIP o ang mga head of states ng APEC.
Kung kaya’t ayon sa ilang motorista, matinding kal-baryo na naman ang kanilang mararanasan dahil dito.
- Latest