^

Metro

Wanted na Chinese, timbog ng PDEA

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nalambat na ng mga ope­ratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang 47-anyos na Chinese national na matagal nang pinaghahanap ng batas dahil sa kasong iligal na droga matapos ang pagsalakay sa kanyang lungga sa Makati City, iniulat kahapon.

Sa ulat na nakarating kay PDEA Director General Under­secretary Arturo G. Cacdac, Jr., nakilala ang suspect na si Jacky Sia Huang, na may mga alyas na Tsoi/Huang Jin Nan, ng Units 2201 at 2604, Antel Pla­tinum, Tower Condominium Association, Inc. (APTCAI), Valero St., Salcedo Village, Makati City.

Nadakip ang suspect sa bisa ng isang warrant of arrest  alas-11:10 ng gabi.

Si Huang ay kabilang sa mga nagmantine ng binuwag na shabu warehouse na matatagpuan sa Unit 48 Cerulean Street, Sentosia Condominium, Macapagal Avenue, Brgy. Tambo, Parañaque City noong February 12, 2014. Na­kumpiska sa nasabing insidente ang 27.50 kilograms ng shabu at 24 kilograms ng ephedrine.

Bukod dito, may nakabin­bin ding kaso si Huang na pag­­labag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kamakailan lang ay na­aresto ng mga operatiba si Marvin Tan Yap, alyas Mr. Tiu, 39, ng San Carlos Street, Magallanes Village, Makati City, at Unit 3B, Tuscany Garden Villa Condominium, McKinley Hills, Taguig City, sa parking lot ng Central Square, 30th Street Corner 5th Avenue, Bonifacio Global City, Taguig City.

Si Yap ay may nakabinbin ding kasong paglabag sa RA 9165 dahil sa partisipasyon nito sa nabuwag na warehouse sa Sentosia Condominium, ang lugar kung saan isinasangkot si Huang.

ACIRC

ANG

ANTEL PLA

ARTURO G

BONIFACIO GLOBAL CITY

CENTRAL SQUARE

CERULEAN STREET

MAKATI CITY

SENTOSIA CONDOMINIUM

SHY

TAGUIG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with