^

Metro

Traffic advisory sa APEC, inilabas ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglabas na kahapon ng traffic advisory ang Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa idadaos na  Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit na isasagawa sa bansa mula sa Nobyembre 17 hanggang 20 ng taong kasalukuyan.

Kabilang sa traffic advisory ng MMDA ay ang pagbabawal nang pagparada sa buong kahabaan ng Roxas Boulevard-Service Road, mula TM kalaw hanggang President  Quirino.

Mula alas-12:00 ng hatinggabi ng Nobyembre 16 hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Nobyembre 20 ay sarado na sa trapiko ang ilang pangu­nahing lansangan sa Metro Ma­nila lalu na sa mga dadaanan ng mga delegado ng APEC.

Nabatid na ang mga lugar na isasara ay ang kahabaan ng Roxas Boulevard Northbound at Southbound lane, mula Katigbak hanggang P. Ocampo; Ser­vice Road ng kahabaan ng Roxas Boulevard mula Santa Mo­nica St. hanggang P. Ocampo­ Quirino Avenue, mula Roxas Boulevard hanggang Adriatico; kahabaan ng Century Park St., mula Adriatico hanggang  Mabini St.; Mabini St. mula P. Ocampo hanggang Quirino Avenue; Southbound lane ng Adriatico mula Quirino Avenue hanggang Century Park St.; P. Ocampo mula  Adriatico hanggang Roxas Boulevard; kahabaan ng M.H. del Pilar St.,  mula Santa  Monica St. hanggang Malvar St.; Pedro Gil St., mula  Roxas Boulevard hanggang  Mabini St.

Para naman sa kapakanan ng mga motorista, narito ang gagawing rerouting ng mga sasakyan, kung saan ang lahat ng mga sasakyan mula Northern­ part ng Manila/Pier Zone, na dadaan sa Southbound lane sa Roxas Boulevard ay kakaliwa sa P. Burgos, kanan ng Ma. Orosa, o Taft Ave­nue patungong destinasyon nito.

Ang lahat namang sasak­yan mula Southern part ng  Maynila na, dadaan sa  Northbound lane ng Roxas Boulevard kakanan ng  Buendia, kaliwa ng  Taft Avenue patungong destinasyon.

Yung mga sasakyan na­­man na dadaan sa P. Ocampo mula Taft Avenue ay kakanan sa Adriatico, kanan sa Le­ve­riza hanggang Quirino Ave­nue patungong destinasyon.

Ang bibiyahe naman ng  westbound lane ng President­ Quirino na manggagaling sa Osmeña Highway (Plaza Dilao­) area patungong Roxas Boulevard kanan o kaliwa sa Taft Ave­nue patungong destinasyon. Ang sasakyan naman mula Del Pilar St., na dadaan sa Roxas Boulevard ay  kaliwa sa Quirino Avenue patungong Taft Avenue patungo na sa kanilang destinasyon.

ACIRC

ADRIATICO

ANG

BOULEVARD

HANGGANG

MULA

NBSP

OCAMPO

QUIRINO AVENUE

ROXAS BOULEVARD

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with