^

Metro

Kelot, tinodas dahil sa droga

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang iligal na droga ang naging dahilan ng pagpatay sa isang lalaki matapos na pagbabarilin ng tatlong kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Dead on the spot ang biktimang si Daniel Fortales, 30 ng no 739 Feli­na St. Sampaloc, Maynila   sanhi ng tatlong tama ng  bala ng baril sa mukha.

Isang follow up operation naman ang  ginagawa ng pulisya laban sa tatlong hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng isang  puting Toyota Fortuner na may plakang AIA-4576.

Batay sa inisyal report   ni Manila Police District- Station 4 Commander Supt. Mannan Muarip naganap ang insidente bandang  alas 9:30 ng gabi sa harap ng bahay ng  biktima.

Bago ang insidente dumating ang mga  suspek at pumasok sa  bahay ng  biktima. Makalipas ang  ilang minuto ay nakitang lumabas ang mga suspek  na pinipilit na  isakay ang  biktima sa  kanilang sasakyan hanggang  sa paputukan ito ng  isa sa mga suspek .

Matapos ang  pamamaril ay agad na tumakas ang  mga suspek sa hindi malamang direksiyon.

Nakakuha naman ng  isang sachet ng shabu at shabu paraphernalia at da-lawang 9mm empty shell ang mga  tauhan ng   Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa bahay ng biktima.

Ayon  naman kay MPD-Homicide Section chief, Sr. Insp. Rommel Anicete, nagsasagawa pa sila ng follow up  investigation  upang matukoy ang  tunay na motibo ng pamamaslang.

ANG

COMMANDER SUPT

DANIEL FORTALES

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT

MANNAN MUARIP

MAYNILA

NBSP

ROMMEL ANICETE

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SR. INSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with