^

Metro

Ret. police, 7 pa arestado sa illegal drugs

Ricky Tulipat at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang isang retiradong pulis at umano’y lider ng drug syndicate sa magkahiwalay na drug operations ng mga pulis sa Quezon City at Las Piñas City.

Sa lungsod ng Quezon, nadakip sina Ret.SPO1 Francisco Tangonan, dating nakatalaga sa Regional Police Office; Ricardo Calara;  Lea Ann Maligo; Victor Re­porma; Orlan Merloza at Cecilia Nolasco na nahuli sa isang drug den habang tumitira ng shabu. Si Calara ay  nasa no. 8 most wanted list dahil sa operasyon nito sa Brgy. Kamuning, Cubao, at Batasan hills.

Nabatid kay Insp. Ma­nuel Laderas ng QCPD-Anti Illegal Drugs, na  isinaga-wa ang buy-bust ope­ration laban kay Calara sa may Agham Road, Sitio San Ro­que, Brgy. Pag-asa sa lungsod, ganap na alas-12 ng madaling-araw.

Sabi ni Laderas, halos isang linggo nilang minanmanan ang galaw ni Calara, dahil naging  malapalos ito sa dulas at madaling makatunog kapag kanila nang inaaresto hanggang sa kumagat na ito sa kanilang pain kahapon ng madaling araw.

Sinasabing nagkita ang suspect at isang poseur buyer ng DAID sa nasa-bing lugar para sa pagbili ng huli sa una ng iligal na droga ng halagang P10,000. Nang magka-abutan ng items ay saka na sinimulan ng mga nakaantabay na operatiba ang pag-aresto kay Calara.

Narekober mula kay Calara ang 10 gramo ng shabu na ibinibemta niya sa halagang P22,000, gayundin ang marked money na halagang P10,000.

Samantala, kasunod ng buy bust operation kay Calara ay sinalakay naman ng tropa ang isang bahay na ginagawamg drug den ilang metro lamang ang layo sa lugar kung saan nahuli sa aktong bumabatak ng shabu sinaTangonan, Maligo, Reporma, Merlosa at Nolasco.

Nakumpiska mula sa kanila ang 5 gramo ng shabu, at mga drug paraphernalia.

Samantala, timbog din sa Las Piñas City  ang isang ginang na umano’y lider ng drug syndicate at isang miyembro nito ang kapwa inaresto ng pulisya kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

 Kinilala ni Police Chief Insp. Roque P. Tome, hepe ng SAID-SOTG ng Las Piñas City Police ang mga suspek na sina Annabelle Laudit, 34, lider ng “Laudit Drug Group” at ang miyembro nitong si Jericho Tuico, 30, kapwa nakatira sa Block 11, Lot 5, Neptune St., Mapayapa Village, Brgy. Pulang Lupa Uno ng naturang lungsod.

Nadakip ang mga suspek alas-5:45 kahapon ng umaga sa naturang lugar sa bisa ng isang search warrant na inisyu ni Executive Judge Salvador Timbang, ng Las Piñas City Regional Trial Court (RTC).

Matapos makatanggap ng impormasyon ang mga pulis mula sa kanilang asset  hinggil sa illegal na gawain ng mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P25,000.00.

Nakaditine ngayon ang mga suspek sa Las Piñas City Police detention cell at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

 

ACIRC

ANG

ATILDE

BRGY

CALARA

CITY POLICE

DRUG

ISANG

LAS PI

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with