^

Metro

Tsinoy na wanted sa droga nalambat ng PDEA, PNP

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nalambat ng mga ope­ratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaki na kabilang sa listahan ng mga most wan­ted dahil sa pagkaka­sangkot umano nito sa ma­la­wakang operasyon ng ili­gal na droga matapos ang isinagawang pagsalakay sa isang parking lot sa Taguig City, iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang suspect na si Marvin Tan Yap, alyas Mr. Tiu, 39, binata at naninirahan sa No. 15, San Carlos St., Magallanes Village, Makati City, at Unit 3B, Tuscany Garden Villa Condominium, McKinley Hills, Taguig City.

Ayon kay Cacdac, si Yap ay inaresto ng mga opera­tiba ng PDEA Special Enforce­ment Service (PDEA SES) sa pamumuno ni Director Ismael G. Fajardo Jr. at Special Ope­rations Unit 3-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (SOU3-AIDSOTF) sa Parking Lot ng Central Square, 30th St. Corner 5th Ave. Bonifacio Global City, Taguig City sa bisa ng warrant of arrest, ganap na alas- 8:10 ng gabi

Sabi ni Cacdac, si Yap ay kinasuhan dahil sa partisipasyon nito sa nabuwag na warehouse noong February 12, 2014 sa may Unit 48 Ceru­lean St., Macapagal Avenue, Brgy. Tambo, Parañaque City kung saan nasamsam ang may 27.50 kilograms ng shabu at 24 kilo­grams ng ephedrine.

Nagawang makatakas ni Yap sa mga operatiba nang salakayin ang nasabing warehouse dahilan para ituring siyang wanted ng mga nasabing ahensya.

Bukod dito, may naka­bin­bin ding kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dan­gerous Drugs), Article II ng RA 9165 o ang comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakapiit ngayon ang sus­pect sa naturang himpilan ha­bang inihahanda ang pagbabalik ng warrant nito sa korte para sa kaukulang dispo­sis­yon.

ACIRC

ANG

BONIFACIO GLOBAL CITY

CACDAC

CENTRAL SQUARE

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DIRECTOR ISMAEL G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

SHY

TAGUIG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with