May permit sa Manila city hall Lumads ‘magkakampo’ ng dalawang linggo sa Liwasang Bonifacio
MANILA, Philippines - Matapos na mabigyan ng permit ng Manila City hall, tatagal ng halos dalawang linggo sa Liwasang Bonifacio sa Lawton, sa Maynila ang mga Lumads.
Kinokondena ng grupo at ilang militanteng grupo ang pagpatay sa mga katutubo at karahasan sa Mindanao.
Magkakampo ang grupong Lumads sa Freedom Park hanggang Nobyembre 12.
Ayon kay Atty. Fortune Mayuga, hepe ng Business Permits and Licensing Office, pinahintulutan nila ang mga Lumads na mag-rally at magkampo sa Lawton bilang pagrespeto sa kanilang kalayaan sa pamamahayag at pagtitipon.
“The permit is until Nov. 12. They are allowed to stay in Liwasan to exercise their freedom of speech and assembly,” ani Mayuga.
Tiniyak naman ni Manila Police District Director, Chief Supt Rolando Nana, na ibibigay nila ang seguridad sa mga nagpoprotestang Lumad sa buong panahon ng kanilang pananatili sa Liwasang Bonifacio.
- Latest