^

Metro

1.7M dumalaw sa puntod sa Manila North Cemetery

Doris Franche-Borja at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tulad ng inaasahan, hindi mahulugang karayom ang Manila North Cemetery kahapon kung saan tinatayang nasa 1.7  mil­yon ang  dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay MNC administrator Daniel Tan nasa mahigit 1.7 milyon na ang dumalaw sa puntod ng kani-kanilang mahal sa buhay simula pa noong Sabado (Oktubre 31) kung saan inaasahan din nila na aabot pa ito sa mahigit 2 milyon hanggang ngayong araw (Nobyembre 2).

Napag-alaman naman din na nasa 88 piraso ng mga ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) mula sa mga bibisita sa nasabing kampo santo katulad ng matutulis na bagay, thinner, pintura at kutsilyo.

Wala namang naiulat na insidente ng krimen o aksidente dahil na rin sa maagang preparasyon matapos itong iutos ng maaga nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice  Mayor Isko Moreno sa MPD at mga empleyado ng  city hall kung saan nagsagawa pa ito ng personal na pag-iinspeksyon kamakalawa ng umaga sa MNC at sa South Cemetery.

Sinabi ni  Tan na indikasyon lamang  ito na epektibo ang kampanya ng lokal na pamahalaan upang maging ligtas sa lahat ang  paggunita sa Undas.

Habang nasa North cemetery, dinalaw at nagtirik din ng kandila si Estrada sa puntod ng ilang kilalang personalidad, kabilang ang kanyang matalik na kaibigang si Fernando Poe, Jr., dating Pang. Manuel Roxas, mga dating Mayor ng Maynila kabilang sina Arsenio Lacson at Antonio Villegas, at mga bete­rano ng World War II.

ACIRC

ANG

ANTONIO VILLEGAS

ARSENIO LACSON

DANIEL TAN

FERNANDO POE

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA NORTH CEMETERY

MANILA POLICE DISTRICT

MANUEL ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with