5,000 tricycle drivers sa Makati, nabiyayaan ng insurance
MANILA, Philippines - Nasa 5,000 mga tricycle driver ang nabigyan ng insurance ng pamahalaang lungsod ng Makati sa pamumuno ni Mayor Kid Peña.
Ito ay bilang ayuda ng pamahalaang lungsod sakaling maaksidente ang mga ito sa oras ng kanilang pamamasada.
Ayon kay Alberto Galisim, presidente ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa buong Makati, ang P10,000 ay ipinamahagi ng pamahalaang lungsod noong nakaraang linggo sa lahat ng kanilang miyembro.
Kung kaya’t ang mga tsuper ng tricycle sa buong Makati ay makakatanggap ng naturang benepisyo ang kanilang pamilya sakaling maaksidente ang mga ito.
Labis naman itong ikinatuwa ng mga tricycle drivers maging ng kanilang mga pamilya na ayon sa kanila ay kauna-unahang nangyari sa lungsod na mapagkaloob sila ng ganitong benepisyo.
- Latest