^

Metro

App alerts ng LTFRB vs isnaberong drivers at mga pasaway sa kalsada

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaari na ngayong ma­irek­lamo ng diretso sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga isnabe­rong taxi drivers, gayundin ang iba pang pampasaherong sasakyan na pasaway sa lansangan.

Ito ay sa pamamagitan  ng isang mobile application na layung bigyan ng direct access sa LTFRB ang sinuman sa anumang oras lalu na sa panahon ng emergency.

Sa ilalim ng “Safe Ride” app, ang mga pasahero o sinumang publiko na may reklamo sa alinmang passenger vehicles  ay maaa-ring magpadala ng litrato ng driver at plate number ng sasakyan sa data base server ng LTFRB para sa kaukulang aksiyon ng ahensiya.

“Our original design was only for taking photos. But according to the LTFRB, if the commuters can take a short video clip especially of taxi drivers who refuse to accept passengers, it will accept the clip as electronic evidence,” pahayag ni  Rodolfo “Jun” Lozada, president ng Galileo Software Services Inc., ang app developer na minsan nang naging kontrobersiyal nang tumestigo sa panahon ng Arroyo administration  kaugnay ng  NBN-ZTE telecommunications deal.

Naka – features din sa app ang emergency hotline numbers ng police, fire stations, hospitals at iba pa at ang  quick reporting ng mga road obstructions para sa  LTFRB.

“There will be no expen­ses on the part of the government. Our role is to receive the emergency call or SOS so that we can act on it.” pahayag naman ni LTFRB Chair Winston Gines.

Ang kompanya din ni Lozada ang nasa likod ng “Police Accident Report Kit” o Parak, isang app na pinapayagan ang traffic officers na ibigay ang  impormasyon ng mga aksidente sa lansangan para sa mabilis na aksiyon gayundin ang “Theft Apprehension and Recovery Application” o Tara, na nag-didisables ng smartphone’s essential features  kapag ang unit ay nawala o nanakaw.

ACIRC

ANG

CHAIR WINSTON GINES

GALILEO SOFTWARE SERVICES INC

ITO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LOZADA

NBSP

POLICE ACCIDENT REPORT KIT

SAFE RIDE

THEFT APPREHENSION AND RECOVERY APPLICATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with