^

Metro

Re-routing sa Metro Manila, ipapatupad ngayong Undas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng re-routing­ scheme, one side at no parking policy sa ilang mga lugar sa Metro Manila ngayong Undas.

Kabilang sa magpapatupad ng rerouting scheme ay ang pamahalaang lungsod ng Las Piñas, Taguig at Parañaque.

Sa area ng Las Piñas, ipa­tutupad ang rerouting scheme, one-side at no parking policy sa kahabaan ng Tramo Road mula Zapote hanggang E. Aldana at C-5 Road. Mula Ba­rangay CAA-BF Int’l., ba­­­bagtas ng J. Aguilar Ave­nue papuntang Naga Road (Barangay Pulanglupa I), kanan ng Tramo at labas ng C-5 Rd., patungong Golden Haven  at  Manuyo Cemetery.

One-side parking policy din sa kahabaan ng Tramo mula Barangay Zapote hanggang Barangay  Manuyo I at no parking­ policy naman  sa P. Diego Cera Avenue mula Pulanglupa I hanggang Manuyo I at hindi papayagang makapasok ang mga sasakyan sa mga simenteryo para hindi ito makaabala sa mga taong magtutungo sa mga kaanak nilang namayapa.

Bukod dito, ayon kay Las Piñas City Mayor Vergel “Nene” Aguilar, maglalagay ng mga police assistance desks, emergency medical station at composite team na pamumunuan ng Las Piñas Disaster Risk Reduction and Management Office (LPDRRMO) sa mga simenteryo.

Sa Taguig City, pinayuhan naman ang mga motorista na magtutungo sa mga simen­teryo na gumamit ng mga alternatibong ruta para hindi maabala.

Ang mga alternatibong­ ruta ay ang Ususan at Gene­ral Luna St., patungong Santa­ Ana Manuel L. Quezon St., patu­ngong Bagumbayan mula alas-6:00 ng uma­ga  ng  Nobyembre 1 hanggang­ alas-5:00 ng hapon ng Nob­yem­bre 2.

Kung saan ang kahabaan ng  Bagong Calzada-Tuktukan Road ay sarado sa mga moto­rista.

Sa Parañaque naman, ipa­tutupad din ang re-routing sa kahabaan ng Dr. A. Santos­ Ave­nue (formerly Sucat Road), kung saan matatagpuan doon ang dalawang malalaking pri­badong simenteryo, ang Manila Memorial Park at Loyola Memorial Park.

Gayundin sa pampublikong simenteryo, na matatagpuan sa  Palanyag,  Barangay San Dionisio ng naturang lungsod.

ACIRC

AGUILAR AVE

ANA MANUEL L

ANG

ATILDE

BAGONG CALZADA-TUKTUKAN ROAD

LAS PI

MANUYO I

MGA

NBSP

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with