^

Metro

Tamad na kawani sa Parañaque, binalaan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbigay babala kahapon si Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa mga kawani ng city hall na ‘natutulog sa pansitan’ at mga sangkot sa anomal­ya na kanyang sisibakin sa pwesto anumang oras kapag napatunayan.

Ito ang naging warning ni Olivarez matapos ipaalam sa kanya ng personnel department na ang public information office at ang city traffic management office ay negative ang kanilang office performance sa nakalipas na tatlong taon.

 Sa rekomendasyon ng personnel department, napapanahon na raw na dapat mag-reshuffle si Olivarez ng kanyang mga department heads dahil karamihan dito ay mga “non-performers”.

 Sa 24 na city offices, napag-alaman na ang PIO at TMO ang walang ma-isubmit na annual accomplishment report simula nang umupo si Olivarez noong 2013.

Nauna rito, nangako si Olivarez sa harap ng mga kawani na agad niyang aalisin sa pwesto ang sinumang em­pleyadong sangkot sa tinaguriang “Baclaran 7”, sindikato na humihingi ng tong sa mga illegal vendors sa Baclaran.

 Dahil din sa kapabayaan  ng TMO, napakatindi pa rin ang trapiko sa Barangay Baclaran, lalo na kapag Miyerkules kapag may misa sa Redemptorist, dahil sa napakaraming illegal jeep at bus terminal.

ACIRC

ANG

ATILDE

BACLARAN

BARANGAY BACLARAN

DAHIL

ITO

MAYOR EDWIN OLIVAREZ

MGA

MIYERKULES

OLIVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with