Kuta ng mga kriminal sinalakay: 7 arestado
MANILA, Philippines – Pitong lalaki na hinihinalang mga kilabot na kriminal na sangkot sa mga pagpatay ang dinakip sa isinagawang pagsalakay sa kanilang kuta, Miyerkules ng hapon sa Malabon City.
Nakilala ang mga inaresto na sina Joper Rodrigo, 44; Christopher Rodrigo, 18; Jimboy Rodrigo, 21; Raymond Sarmiento, 30; at Joel Libanan, 25, pawang mga residente ng Road 10 Sto. Niño, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.
Sa ulat, ikinasa ng Navotas City Police sa pangunguna ni Senior Supt. Romeo Uy ang operasyon sa ilalim ng “Oplan Galugad” at “Oplan Lambat Sibat” gamit ang malaking puwersa ng pulisya sa Road 10 Brgy. NBBS dakong alas-4 ng hapon.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang granada, dalawang rebolber na baril, dalawang sumpak, isang pen gun at mga bala.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms Law at Anti-Explosives Law.
Natukoy naman sina Joper Rodrigo, Christopher Rodrigo at Sarmiento na mga suspek sa pamamaslang kay Edgar Nulles nitong Setyembre 12 nang ituro ng kaanak ng biktima. Si Christopher Rodrigo rin ang itinuturong bumaril sa isang Mersa Dante nitong Oktubre 14 at nalagay sa kritikal na kondisyon.
Nadakip rin sa operasyon si Joel Libara na natuklasang may kinakaharap na warrant of arrest sa kasong frustrated murder habang dinakip ngunit pinalaya rin ang isang Harry Haraba.
- Latest