^

Metro

Dalaga tinarakan sa ulo ng selosong nobyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kritikal ngayon ang isang 21-anyos na dalaga maka-raang pagsasaksakin sa ulo ng kaniyang kasintahan dahil sa matinding selos, Martes ng hapon sa Navotas.

Nakaratay ngayon sa Na­votas City Hospital ang biktimang si Maricar Abellera, residente ng P. Gabriel Street, Brgy. Sipac-Almazen, ng n­a­turang lungsod. Nakatakas naman ang nobyo nitong suspek na si Bryan Manuel.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang magtungo si Manuel sa bahay ng nobya at kinompronta ito ukol sa nababalitang lalaki na laging kasama ng babae.

Humantong ang diskusyon sa mainitang pagtatalo hanggang sa magbunot ng patalim ang lalaki at tarakan ang kasintahan sa ulo saka mabilis na tumakas.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

BRYAN MANUEL

CITY HOSPITAL

GABRIEL STREET

HUMANTONG

KRITIKAL

MANUEL

MARICAR ABELLERA

NAKARATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with