Lulong sa droga, nag-suicide
MANILA, Philippines - Isang binata ang nasawi makaraang magbaril sa sarili dahil na rin umano sa pagiging drug dependent kahapon sa Pasay City.
Kinilala ang nasawi na si Erwin Villanueva, 49, ng Brgy. 115 ng naturang lungsod na nagtamo ng tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre .45 baril.
Sa report na nakarating sa tanggapan ni Senior. Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, base sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Maria Rosanna Villanueva nasa loob siya ng kanilang bahay alas-9:00 ng gabi, nang makarinig siya ng putok ng baril mula sa loob ng bahay ni Erwin.
Alas-7:00 kahapon ng umaga ay pinuntahan niya ang bahay ng kapatid na si Erwin para alamin kung ano ang nangyari dito.
Dito tumambad sa kanya ang duguang kapatid, na wala ng buhay, na nakaupo sa sofa, na may tama ng bala sa ulo at hawak ang baril. Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga pulis, nagpakamatay ang biktima at narekober sa bangkay nito ang ilang pirasong bala ng kalibre .45.
Nalaman sa mga kaanak ng biktima, na nagha-hallucinate ito dahil sa paggamit nito ng droga. Kumbinsido ang pamilya ng biktima na nagpatiwakal ito, kung kaya’t hindi na pinaimbestigahan ang pagkamatay nito.
- Latest