^

Metro

Aplikasyon ng online UV service, tinanggihan ng LTFRB

Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinanggihan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang apli­kasyon para sa akreditasyon ng U-HOP Transportation Network Vehicle System Inc. bilang isang Transport Network Company (TNC).

Ito ayon kay LTFRB Chairman Winston Gines ay dahil hindi naaayon sa batas at regulasyon ng DOTC ang serbisyong nais nitong maibigay sa publiko.

Sa ilalim ng memorandum na ipinalabas ng LTFRB, ang lahat ng TNC ay dapat munang magpa-accredit sa ahensiya upang ma­bigyan ng awtorisasyon na makapagsakay ng pasahero gamit ang on-line provider.

Sinasabing para mairehistro ang U-HOP shuttle service, ang isang van owner ay dapat munang magbayad ng joining fee na P150,000 at dagdag na P75,000 para makabili ng U-HOP Shuttle Device Package na ilalagay sa kanilang sasakyan.

Sinasabing ang operasyon ng isang Shuttle­ Service sa pamamagitan ng paggamit ng Inter­­net-based technology platform para magka­roon ng pre-arranged transportation ng mga pasahero ay dapat na tumalima sa mga ka­ukulang rekisitos ng DOTC.

Una rito, inanunsiyo ng U-HOP na sila ay takda nang magsimula nang operasyon dahil nakakuha na sila ng mahigit 300 miyembro.

Ang operasyon ng U-HOP ay ang pagkuha ng pasahero sa pamamagitan ng on-line service na may kaakibat na fix rate sa pagsakay ng pasahero na umano’y papatay sa operas­yon ng UV Express at mga passenger jeepney na may sariling ruta at franchise.

ACIRC

ANG

CHAIRMAN WINSTON GINES

ITO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

SHUTTLE DEVICE PACKAGE

SHY

SINASABING

TINANGGIHAN

TRANSPORT NETWORK COMPANY

TRANSPORTATION NETWORK VEHICLE SYSTEM INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with