^

Metro

Tattoo artist binoga, todas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masusing imbestigasyon  ang  isinasagawa ng  Manila Police District sa pagkamatay ng isang tattoo artist na  binaril ng  dalawang  beses sa mukha at namatay kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on  arrival sa  Tondo Medical Center ang biktimang si Enrico Mangila, miyembro ng Sigue-sigue Sputnik gang at residente ng Building 15,  Unit 20, Temporary Housing,  Tondo,

Sa ulat ni SPO2  Charles John  Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 11:00 ng gabi nang madiskubre na duguan at nakahandusay ang biktima sa kanto ng  Road 10,  malapit sa Temporary Housing Tondo.

Wala pang nakukuhang impormasyon sa pagkakakilanlan ng gunman o suspek. Isang kapitbahay lamang umano ang nakapagsabi sa live-in partner ng biktima na si Maricar Santos na nakitang duguan ang biktima kaya agad itong dinala sa Tondo Medical Center. Blangko pa ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.

 

ANG

BLANGKO

CHARLES JOHN

ENRICO MANGILA

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARICAR SANTOS

NBSP

TEMPORARY HOUSING

TEMPORARY HOUSING TONDO

TONDO MEDICAL CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with