^

Metro

Help Center para sa migrants, itatayo sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang Migrant Resource and Help Center ang nakatakdang itayo sa Quezon City para umalalay sa mga QC-based OFWs at migrant workers.

Ito ay makaraang pangu­nahan ni Mayor Herbert Bau­tista ang pagbuo sa QC Migration and Development Council on Overseas Filipinos (QC-M&DC) na mangangasiwa  sa naturang Help Center.

Ang QC Help Center ay kauna unahan sa hanay ng mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region. Sa ating bansa, tanging ang lalawigan ng Batangas, Cavite, Laguna, Ilocos Norte, Naga, Masbate at Antique ang mayroong a Help Center para sa migrante.

Bukod sa itatayong  migrant center, ang QC-M&DC ay  magkakaroon ng isang localized one-stop on-line portal na denevelop ng Commission on Filipino Overseas (CFO) para sa Filipino Diaspora Engagements at sa pagkakaroon ng isang collective remittance mechanism para sa mga  QC-based OFWs.

Ang pondong gagamitin sa inisyal na operasyon ng QC-M&DC ay magmumula sa tanggapan ng alkalde.

Sinasabing ang programa ay bilang pagkilala at pagtulong ng lokal na pamahalaan sa mga OFWs na taga-QC na katuwang din  sa pagpa­palago at pagpapasigla ng ekonomiya ng lungsod.

ACIRC

ANG

FILIPINO DIASPORA ENGAGEMENTS

FILIPINO OVERSEAS

HELP CENTER

ILOCOS NORTE

ISANG MIGRANT RESOURCE AND HELP CENTER

MAYOR HERBERT BAU

MIGRATION AND DEVELOPMENT COUNCIL

NATIONAL CAPITAL REGION

OVERSEAS FILIPINOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with